^

Probinsiya

Barangay Tserman inutas ng tandem

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Barangay Tserman inutas ng tandem
Kinilala ni P/Major Fortune Dianne Bernardo, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Emiliano Muncal, may-asawa, at kapitan ng Barangay Inspector, na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City.
STAR/File

STA. ROSA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang 52-anyos na barangay chairman makaraang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo habang ipaparada ang kanyang motorsiklo sa gilid ng kalsada sa Barangay Inspector ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Major Fortune Dianne Bernardo, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Emiliano Muncal, may-asawa, at kapitan ng Barangay Inspector, na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City.

Sa imbestigas­yon­, alas-7:19 ng gabi, galing ang biktima sa kanilang barangay hall  at pauwi na sa kanyang bahay sakay ng kanyang motorsiklong Yamaha NMAX.

Habang ipinaparada­ ng biktima ang motorsiklo sa gilid ng kalsada upang buksan ang gate ng kanyang bahay nang mula sa kanyang likuran ay may sumulpot na dalawang lalaki na sakay ng wala umanong pla­kang motorsiklo at pi­nagbabaril ito.

Nabatid na ang rider ay nakasuot ng itim na jacket na may hood ang siya umanong gunman habang ang angkas nito na nakasuot ng kulay abuhing jacket ang nagsilbing look-out.

Agad na nagsitakas ang dalawang sus­pek patungo sa direksyon ng Nueva Ecija – Tarlac Provincial Road.

Ayon kay Bernardo­, wala pa umano silang motibo sa pagpatay sa biktima ngunit sinisilip nila kung may kaugnayan sa pulitika ang insidente.

vuukle comment

NUEVA ECIJA DOCTORS HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with