^

Probinsiya

PDEA buy-bust: ‘Tulak’ mula sa Metro Manila arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 ang isang dayo na hinihinalang drug pusher at itinuturing na high value target (HVT) matapos mahulihan ng mahigit P.3-milyong ha­laga ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa San Fernando City, Pampanga kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ng PDEA-3 ang naarestong suspek na si Benjamin Domingo, 33, at residente ng Las Piñas City.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Consunji Road, Brgy. San Jose sa San Fernando City.

Nakatanggap umano ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibi­dad ng suspek na dumarayo pa upang magtulak ng droga kung kaya’t kaagad na tinarget sa buy-bust.

Nang bentahan umano ng suspek ng hinihinalang shabu ang isang under­cover agent na umaktong buyer ay ka­agad na siyang dinakip ng mga awtoridad.

Narekober ng PDEA mula sa suspek ang tinatayang aabot sa ?325,000 halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa knot-tied plastic bag at tumi­timbang ng 50 gramo, gayundin ang marked money na ginamit sa operasyon­.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with