^

Probinsiya

P14 milyong ismagel na sibuyas, nasabat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P14 milyong ismagel na sibuyas, nasabat
Sa ulat, dumating ang shipment sa Mindanao Container Terminal Sub-Port saTagoloan, Misamis­ Oriental nitong Nobyembre 13 mula sa China na idineklara ang shipment na ‘mantou buns’ at naka-consign sa EMV Consumer­ Goods Trading.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P14 milyong pisong halaga ng ismagel na sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Misamis Oriental.

Sa ulat, dumating ang shipment sa Mindanao Container Terminal Sub-Port saTagoloan, Misamis­ Oriental nitong Nobyembre 13 mula sa China na idineklara ang shipment na ‘mantou buns’ at naka-consign sa EMV Consumer­ Goods Trading.

Nang isailalim sa spot check, nadiskubre ni Customs Examiner Rodil Flancia na mga sibuyas ang laman ng container at hindi mga tinapay.

Dahil dito, nadamay ang 19 pang container na hiniling ng Customs Intelligence and Investigation Service na isasailalim rin sa pisikal na eksaminasyon.

Nakatakdang maglabas ng ‘warrant of seizure and detention’ ang BOC sa naturang shipment dahil sa paglabag sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Patuloy na nagbabala ang Department of Agriculture sa publiko laban sa pagbili ng mga smuggled na gulay mula sa China dahil sa posibleng may masamang epekto ito sa kalusugan.

vuukle comment

BOC

SIBUYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with