^

Probinsiya

Kawani ng DENR, nilamon ng ilog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Kawani ng DENR, nilamon ng ilog
Ayon sa ulat, alas-8:30 ng umaga ay hu­ling nakita ng tatlong laborer ang biktima na tinatangkang tumawid sa Agos river upang pumunta sa kabilang pampang na sakop ng Barangay Pagsangahan para magsagawa ng survey.

GENERAL NAKAR­, Quezon, Philippines — Pinanga­ngambahang patay na ang isang kawani ng DENR-CALABARZON makaraang lamunin ng rumaragasang tubig sa Agos river na sakop ng Sitio Binu­gawan, Barangay Mahaba Lalim sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rigor Gallardo, 30, binata, Forest Monitoring Officer at residente ng Tanay, Rizal.

Ayon sa ulat, alas-8:30 ng umaga ay hu­ling nakita ng tatlong laborer ang biktima na tinatangkang tumawid sa Agos river upang pumunta sa kabilang pampang na sakop ng Barangay Pagsangahan para magsagawa ng survey.

Habang nasa gitna umano ng ilog ang bik­tima ay tinangay ito ng malakas na agos hanggang sa tuluyang lumubog at mawala.

Nagsasagawa na ng search and retrieval operation ang mga otoridad.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with