^

Probinsiya

Utol sinamurai ng kuya dahil sa sticker

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon

MAPANDAN, Pangasinan, Philippines — Malubhang nasugatan ang isang 28-anyos na binata ma­tapos na siya ay tagain ng kanyang nakata­tan­­dang kapatid habang sila ay nag-iinuman, ka­ma­kalawa sa Barangay Torres ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mar Gauna habang ang sus­pek ay ang kuya nito na si Rizalito Gauna, 31, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ay kapwa lasing ang magkapatid nang magkaroon ng mainitang pagtatalo tungkol­ sa sticker house number na binigay ng kani­lang barangay.

Nauwi sa suntukan ang pagtatalo ng magkapatid hanggang sa makakuha ng samurai ang suspek at tinaga ang kapatid.

Ang biktima ay dinala sa Mapandan Com­munity Hospital upang magamot dahil sa ti­na­mong taga sa ulo at mukha habang ang suspek ay inaresto at nakakulong na.

vuukle comment

SAMURAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with