^

Probinsiya

Lalaki na katabi ang lover sa lamayan, piñata

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

TAYUM, Abra , Philippines — Isang  tricycle  driver ang nasawi nang ito ay pagbabarilin habang nakaupo at katabi ang kanyang live-in partner ng isang angkas sa mo­torsiklo, kamakalawa ng gabi sa Barangay Deet, ng bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Dionisio Sequerra Jr., 52, may live-in part­ner, at residente ng Brgy. Macray, Ban­gued ng na­sabing lala­wigan. Hindi pa kilala ang mga suspek.

Ayon sa Tayum police, sila ay nakatanggap­ ng ulat mula kay Ba­rangay Deet Chairman Bernardo Samuel Tacanay, tungkol sa nang­yaring barilan sa lugar.

Agad tinungo ng mga pulis ang lugar at nakita ang biktima na nakahandusay sa kalsada at naliligo sa sariling dugo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pu­lisya, nakaupo ang bik­tima katabi ang live in partner habang nakikipaglamay nang duma­ting ang isang motorsiklo at bumunot ng baril ang angkas at pinagbabaril ang una. Mabilis na tumakas ang mga suspek.

vuukle comment

DIONISIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with