^

Probinsiya

Lolo binawian ng ayuda, inatake sa puso, dedo!

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Lolo binawian ng ayuda, inatake sa puso, dedo!
Ayon sa asawa ng nasawi, nakalista umano ang kanilang pangalan bilang benepisyaryo sa kanilang barangay sa ayuda na halagang P2,000 saka sila nilitratuhan bilang katibayan na kanila itong natanggap bandang alas-9 ng umaga.
STAR/File

Mariveles, Bataan, Philippines — Labis ang paghihinagpis ng pamilya ng isang lolo na namatay dahil sa atake sa puso matapos bawian ng ayudang pinansiyal sa Barangay Sitio Pulang Lupa Resort, Barangay Cabcaben ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Roberto Maranan, 67-anyos.

Ayon sa asawa ng nasawi, nakalista umano ang kanilang pangalan bilang  benepisyaryo sa kanilang barangay sa ayuda na halagang P2,000 saka sila nilitratuhan bilang katibayan na kanila itong natanggap bandang alas-9 ng umaga.

Noong una ay natuwa umano ang kanyang asawa dahil mayroon na silang pambilli ng pagkain subalit napalitan ito ng kakungkutan ng magbalik ang mga coordinator at bawiin ang pera dahil nagkamali lamang umano na mailista ang kanilang pangalan.

Hanggang kinabukasan umano ay malungkot pa rin ang kanyang asawa at paulit-ulit na binabanggit ang binawing ayuda habang nakaupo sa isang bakanteng lote ay doon na inatake sa puso at masawi.

vuukle comment

LOLO

MARANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with