^

Probinsiya

Patrol car hulog sa bangin: Colonel, 7 pang pulis sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Patrol car hulog sa bangin: Colonel, 7 pang pulis sugatan
Kinilala ang mga biktima na sina P/Lt. Nico Querubin, P/Executive Master Sgt. Eduardo Madanlo, Staff Sgt. Dec Acosta, Patrolman Mevin Villarta, Patrolman Jino dela Cerna, Patrolman Rejay Tambis, Patrolman Miguel Ugsimar at isang P/Lt. Col. Armigos.

MANILA, Philippines — Walong pulis kabilang ang isang police colonel ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa tinatayang 350 metrong bangin ang sinasakyan nilang patrol car sa Sitio Lutangan, Kapatagan, Digos City nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina P/Lt. Nico Querubin, P/Executive Master Sgt. Eduardo Madanlo, Staff Sgt. Dec Acosta, Patrolman Mevin Villarta, Patrolman Jino dela Cerna, Patrolman Rejay Tambis, Patrolman Miguel Ugsimar at isang P/Lt. Col. Armigos.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, sinabi ni P/Lt. Col. Anthony Tababa, chief of police ng Digos City, bandang alas-12:45 ng hapon kasalukuyang bumabagtas sa national road sa nasabing lugar ang patrol vehicle na sinasakyan ng mga biktima na patungo sana sa Files Peak nang biglang magloko ang makina ng behikulo.

Bunga nito, nabigo ang driver na isa biktima na kontrolin ang manibela hanggang sa mahulog ito sa isang malalim na bangin. 

Agad namang sumaklolo ang rescue team at isinugod sa pagamutan ang mga biktimang pulis na nagtamo ng mga sugat sa katawan at pagkabali ng kanilang mga buto.

Bunga ng insidente, halos nagkayupi-yupi naman ang patrol car na sinasakyan ng mga pulis.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with