^

Probinsiya

3 magkakapatid na paslit tusta sa sunog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 magkakapatid na paslit tusta sa sunog!
Kinilala ang mga nasawi na sina Shakera Villa Blagon, 5-anyos; mga kapatid na Limbert Blagon Jr., 3-anyos at Leonel, 1-taong gulang.
STAR/File

Lighter sa may altar, nilaro

MANILA, Philippines — Tatlong bata na magkakapatid ang nasawi makaraang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan nang maglaro ng lighter ang isa sa kanila sa isang liblib na lugar sa Brgy. Ilayang Tayuman, San Francisco, lalawigan ng Quezon nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Shakera Villa Blagon, 5-anyos; mga kapatid na Limbert Blagon Jr., 3-anyos at Leonel, 1-taong gulang.

Sa ulat ng Quezon Police, mag-a-alas-6:00 ng gabi nang mata­nawan ng mga kapitbahay ang nagliliyab na tahanan ng pamilya Bla­gon. Nabigo na umano nilang mailigtas ang mga paslit dahil binabalot na ng apoy ang buong kabahayan.

Lumilitaw pa sa pagsisiyasat na naglaro ng lighter ang 5-anyos na si Shakera sa may altar na pinagmulan ng sunog kung saan mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa dahon ng buli ang bubungan ng kanilang tahanan.

Nabatid na wala sa kanilang tahanan ang mga magulang ng mga bata dahil abala umano sa pagko-copra at iniwan ang mga anak na naglalaro sa kanilang tahanan.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with