^

Probinsiya

3 gunrunner nakipagbarilan,1 patay, 2 sugatan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 gunrunner nakipagbarilan,1 patay, 2 sugatan
Kinilala ang nasa­wing suspek na si Domingo Macunay, habang nasugatan ang dalawang kasama nito na sina Jose Pepito Rusco, 36; at Abdul Samie Umadan Sultan, 33, pawang mga residente ng nasabing lungsod.
STAR/ File

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Tatlong miyembro ng gunrunning syndicate ang nakipagbarilan sa mga pulis na ikinasawi ng isa habang dalawa ang nasugatan sa isang checkpoint sa Brgy.Salawag ng nasabing lungsod,kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasa­wing suspek na si Domingo Macunay, habang nasugatan ang dalawang kasama nito na sina Jose Pepito Rusco, 36; at  Abdul Samie Umadan Sultan, 33, pawang mga  residente ng  nasabing  lungsod.

Batay sa ulat,bago naganap ang shootout, alas-12:30 ng madaling araw ay nagbabantay sa  checkpoint  ang mga tauhan ng PCP 4-Salawag nang mamataan nila na paparating ang kulay puting taxi na walang plaka.

Pinatigil ito ng mga pulis,subalit sa halip na tumigil ay mabilis itong umarangkada  at pinaputukan umano ang mga pulis.

Kaya’t hinabol ng mga pulis ang nasabing taxi na kung saan ay nagpalitan ng putok ang magkabilang panig hanggang sa makorner ang mga suspek.

Nang lumabas ang mga suspek sa taxi ay pawang sugatan ang mga ito at dinala sa  Pagamutan ng Dasmariñas na kung saan ay idineklarang dead on arrival si Macunay.

Narekober sa sasakyan ng mga suspek ang  isang fragmentation hand grenade, isang unit ng snub nose cal. 38 na walang serial number na puno ng bala, isang FCC,  dalawang unit ng Cal. 45 na may serial number 916394 habang ang isa pa ay walang serial number, 2 FCC, 4  na FCC para sa Cal. M16;  9  na FCC para sa 9Mm, 2 plastic sachet na naglalaman ng mga shabu at  1  piraso ng plastic sachet na may lamang marijuana at 2  itim na helmet.

vuukle comment

PCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with