Zambales, isinailalim sa GCQ with heightened restrictions
MANILA, Philippines — Mula sa MGCQ status ay isinailalim sa GCQ with heightened restrictions ang buong lalawigan ng Zambales alinsunod sa Executive Order No. 24 s. 2021 na nilagdaan ni Provincial Governor Hermogenes Ebdane, Jr.
Sa ilalim ng GCQ status, ipapatupad sa buong lalawigan ang Curfew Hours mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga kung saan ay hindi pinapayagang lumabas ng kanilang bahay ang mga residente na 18-anyos pababa at 65-anyos pataas, may mga comorbidities, buntis, at mga may health risk anuman ang kalagayan ng kanilang vaccination status.
Sampung porsyento lamang ng kapasidad ang pinapayagan sa pagsasagawa ng religious gatherings sa bawat venue.
Ang paglalagay sa GCQ status with heightened restrictions ay dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
- Latest