^

Probinsiya

Dalagita sinalpok ng pickup, patay

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO - Dead-on-the-spot ang isang dalagita matapos salpukin ang sinasak­yan nitong motorsiklo ng isang pickup habang binabagtas ang national highway sa Barangay Pu­langlupa, Mlang ng lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Almie Nicole Elola, 17-anyos at nakatira sa Baluarte, Pob A, M’lang.

Sa inisyal na report­ ng M’lang Disaster Risk Reduction Office (MDR­RMO), patungo umano sa bayan ng Makilala ang biktima sakay sa kanyang XRM motorcycle nang masalpok ng isang Ford Ranger Raptor pickup na patungong Bagontapay, M’lang, da­kong alas-4:00 ng hapon nitong Agosto 12, 2021.

Ayon sa ‘di nagpapakilalang saksi sa pangyayari, biglang nag-overtake umano ang kotse sa isa pang sasakyan na tila ‘di pansin ang kasalubong na motorsiklong minamaneho ng nasabing biktima sa kabilang lane ng kalsada.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima at nagtamo ng malubhang sugat sa ulo na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

vuukle comment

MDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with