^

Probinsiya

Kawani ng Comelec, itinumba sa selebrasyon ng Islamic New Year

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pagdiriwang ng Amon Jadid o Islamic New Year matapos pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang empleyado ng Commission on Elections (Comelec)-Maguindanao ng ‘di pa nakilalang gunman sa Purok Balabaran, Brgy. RH-10 ng lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jonathan Pagadas Ganta, 43-anyos habang tinamaan naman ng ligaw na bala at sugatan ang payong-payong driver na si Guiamad Utto Akmad na nagkataong dumaan sa lugar.

Sa ulat na nakarating kay Police Captain Rustom Pastolero ng Cotabato Police Station 2, naganap ang pamamaril alas-8:00 ng umaga nitong Martes kung saan naglalaro lang ng chess si Ganta.

Ayon sa pulisya, posibleng may kinalaman sa trabaho ni Ganta ang pagkakapaslang sa kanya.

Narekober sa crime scene ang mga bala ng kalibre 5.56 millimeter mula sa M16 assault rifle na ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with