^

Probinsiya

2 sumilong sa resthouse nasapol ng kidlat, patay!

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 sumilong sa resthouse nasapol ng kidlat, patay!
Kinilala ng Rizal Police ang mga nasawing biktima na sina Virginia Acosta, 64, at Samuel Dela Cruz, 42; kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa ang agad nasawi kabilang ang isang lola matapos masapol ng kidlat ang resthouse na kanilang sinisilungan sa Barangay Mawanan, Rizal ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Rizal Police ang mga nasawing biktima na sina Virginia Acosta, 64, at Samuel Dela Cruz, 42; kapwa magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, matapos ayusin ng dalawang biktima ang mga alagang baka ay tumakbo sila at sumilong sa resthouse ng St. Francis De Assissi Parish Church nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kasunod ay sunud-sunod na kidlat na biglang tumama sa punong kahoy at bubong ng resthouse.

Sa lakas ng pagtama ng kidlat, nahati ang puno at maging ng bubong ng resthouse kung kaya’t nadamay ang dalawang nakasilong na biktima.

Hindi na umano nai­salba ang buhay ng mga biktima dahil sa lakas ng boltahe ng kidlat na tumama sa kanilang katawan.

vuukle comment

RIZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with