^

Probinsiya

Trader tiklo sa P24K pekeng sigarilyo

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Nueva Ecija, Philippines — Aabot sa P24,000 na halaga ng smuggled at pekeng sigarilyo ang nakumpiska ng pulisya nang sitahin ang isang nagpakilalang negosyante sa kahabaan ng San Antonio-Zaragoza Road, Barangay Panabingan, dito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Staff Sgt. Lennen Miranda, may hawak ng kaso, ang naaresto na si Jay Cabral, may-asawa ng 0460 EEA St., Barangay San Francisco ng bayang ito.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga habang nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang mga pulis nang kanilang pahintuin ang suspek na sakay ng kolong-kolong tricycle na walang plaka. Kitang-kita umano ang sakay nitong tatlong malalaking kahon at dahil dito’y pinahinto ang suspek.

Dito na tumambad sa otoridad ang mga sigarilyo na may brand name na “Mark cigarette” na nasa 50-reams o 500 kaha ang bilang na pinaniniwalaang mga peke matapos na wala umanong maipakitang dokumento ang negosyante.

vuukle comment

OPLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with