^

Probinsiya

Empleyado ng munisipyo na ‘tulak’ nalambat

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Empleyado ng munisipyo na �tulak� nalambat
Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office director PCol. Lawrence Cajipe ang suspek na si Michael Aven­daño alyas “Pepsi”, empleyado sa Pandi Municipal Hall at residente ng Brgy. Santol, Balagtas.
STAR/File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nagtulung-tulong ang limang istasyon ng pulisya kaya naaresto ang sinasabing madulas na “tulak” ng droga at nasamsaman ng P136,000 ha­laga ng pinaghihinalaang shabu sa bayan ng Marilao ng lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Bulacan Provincial Police Office director PCol. Lawrence Cajipe ang suspek na si Michael Aven­daño alyas “Pepsi”, empleyado sa Pandi Municipal Hall at residente ng Brgy. Santol, Balagtas.

Sa report, naaresto si Pepsi sa ikinasang dragnet operation ng pinagsamang puwersa ng Pandi, Sta. Maria, Bocaue, Balagtas at Marilao Police Stations sa Brgy. Abangan Sur, Marilao.

Nakumpiska sa operasyon ang 12 heat-sealed sachets na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng nasa 20 gramo na tinatayang nasa P136,000 ang halaga, isang Toyota Vios Sedan na may plakang ABR 8356 at mga shabu paraphernalia.

Sinasabing bago nahuli si Pepsi ay nakatakas muna siya matapos ang transak­syon sa ikinasang buy-bust operation ng Pandi Police dakong alas-10:20 am sa Brgy. Bunsuran 2nd, Pandi.

vuukle comment

ARESTADO

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with