^

Probinsiya

Pinakamataas na ‘sulfur dioxide’ ibinubuga ng Taal volcano

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pinakamataas na �sulfur dioxide� ibinubuga ng Taal volcano
Sa pinakahuling bulletin nito dakong alas-4:00 ng hapon, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala rin sila ng 26 na malalakas at napakababaw na low-frequency volcanic earthquakes sa eastern sector ng volcano island, na ang ilan ay may kasama pang mga pagdagundong.
AFP/Ted Aljibe

Malakas na pagsabog nakaamba

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Phivolcs ng pinakamataas na level o antas ng “sulfur dioxide” na ibinubuga ng Bulkang Taal na nasa 22,628 tons kada araw, na tinukoy pa nito bilang “anomalously high”.

Sa pinakahuling bulletin nito dakong alas-4:00 ng hapon, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala rin sila ng 26 na malalakas at napakababaw na low-frequency volcanic earthquakes sa eastern sector ng volcano island, na ang ilan ay may kasama pang mga pagdagundong.

Ayon sa Philvolcs, ang naturang mga parameters ay senyales ng isang panibagong pagsabog na kahalintulad nang naganap noong Huwebes.

“This is a notice of anomalously high volca­nic SO2 gas emission from Taal Volcano,” anang Phivolcs.

“The highest levels of volcanic sulfur dioxide or SO2 gas emission was recorded today at an ­average of 22,628 tonnes/day, the highest ever recorded in Taal,” anito pa.

Inihayag rin nito na nananatili pa rin ang Alert Level 3 ang status sa bulkan, at ang kasaluku­yang sulfur ­dioxide emissions nito ay nagpapakita lamang ng ongoing magmatic extrusion sa main crater na maaaring magdulot pa ng mga pagsabog.

Sinabi rin na ang Taal Volcano Island (TVI) at mga high-risk barangays na kinabibilangan ng Bilibinwang at Banyaga, Agoncillo at Boso-boso, Gulod at eastern Bugaan East, Laurel, Batangas Province ay dapat na manatiling evacuated dahil sa posibleng banta o panganib ng pyroclastic density currents at volcanic tsunami sakaling magkaroon ng mas malalakas na pagputok ng bulkan.

vuukle comment

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with