^

Probinsiya

Gang war sumiklab sa Cavite: 1 patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Gang war sumiklab sa Cavite: 1 patay
Sabog ang katawan ng gang member na si Jomar Deslate, 29- anyos at residente ng Blk. 46 Lot 24 Phase 1, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.
STAR/ File

CAVITE , Philippines — Nauwi sa madugong pamamaril ng sumpak ang pagtatalo ng dalawang miyembro ng magkalabang gang na ikinasawi ng isa sa kanila kahapon ng madaling araw sa Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City.

Sabog ang katawan ng gang member na si Jomar Deslate, 29- anyos at residente ng Blk. 46 Lot 24 Phase 1, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite.

Matapos ang pamamaril, tumakas naman ang suspek na nakila­lang si Aljon Borlagdaton ng Blk. 4 Lot 1 Phase 1, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Sa ulat ni P/Cpl. Aa­ron John Golo, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente.

Ayon sa testigo na si Moises Ballesterros, nag-uusap umano ang dalawa sa mga miyembro ng gang hanggang magkainitan sa usapin ng kanilang kinaaanibang gang hanggang sa magsuntukan.

Nang madehado ang suspek ay kumuha umano ng sumpak at agad binaril ang biktima na bumulugta sa lugar saka tumakas ang una.

vuukle comment

PALIPARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with