^

Probinsiya

Rider at angkas dedo sa trak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Rider at angkas dedo sa trak
Nabasag ang mga bungo at nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktimang sina Enrique Iglesia, 29, binata at Germano Tadeo, 35, sanhi ng kanilang agarang kamatayan.
Philstar.com/Irish Lising, file

CALAUAG, Quezon, Philippines — Kapwa namatay ang rider at angkas ng isang motorsiklo makaraang bumangga sa kasalubong na truck sa Maharlika Highway sa Barangay Sumilang ng bayang ito , kamakalawa ng gabi.

Nabasag ang mga bungo at nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktimang sina Enrique Iglesia, 29, binata at Germano Tadeo, 35, sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng Isuzu Giga truck na naka­bangga sa mga biktima na si Rolando Silaya, 51, ng Lopez, Quezon.

Batay sa ulat, bandang alas-10:30 ng gabi habang binabagtas ni Silaya ang kahabaan ng nasabing highway patungo sa direksyon ng Bicol Region nang pagsapit sa kurbadang bahagi ay binangga siya ng Yamaha Mio 125 na minamaneho ni Iglesia at angkas si Tadeo.

Sa lakas ng banggaan, kapwa tumilapon mula sa motorsiklo ang mga biktima saka bu­magsak sa sementadong kalye.

vuukle comment

PATAY

RIDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with