^

Probinsiya

Estudyante inagawan na ng tablet, binaril pa sa ulo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Estudyante inagawan na ng tablet, binaril pa sa ulo
Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito ang biktima na si Angelo Andes, estud­yante sa Mayao Parada Agricultural Integrated High School at residente ng Purok Maabong nasabing barangay.
File

LUCENA CITY, Philippines — Patay agad ang isang 18-anyos na estudyante makaraang barilin sa ulo ng isa sa dalawang holdaper matapos siyang agawan ng tablet na kanyang ginagamit sa online class sa CCF Village, Barangay Mayo Parade, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito ang biktima na si Angelo Andes, estud­yante sa Mayao Parada Agricultural Integrated High School at residente ng Purok Maabong nasabing barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng gabi ay naglalakad ang biktima at kaibigang si alyas “Jomar” sa likurang bahagi ng naturang paaralan nang banggain ng naglalakad ding dalawang hindi nakikilalang lalaki.

Nagdeklara umano ng holdap ang mga suspek at inutusan ang biktima na ibigay sa kanila ang hawak nitong tablet.

 Palibhasa’t iyon lang ang gamit ng biktima sa kanyang online classes ay pumalag ito at nakipagpambuno sa isang suspek. Gayunman, agad siyang binaril sa ulo ng isa pang holdaper gamit ang hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

  Hindi naman sinaktan ng mga suspek ang kaibigan ng biktima at nang makuha ng mga salarin ang tablet ay saka sila tumakbo patakas.

Agad na kinondena ni Mayor Roderick Alcala ang pagpaslang sa biktima at nag-anunsyong magkakaloob siya ng P100,000.00 bilang reward o pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan at pagkakakilanlan ng mga suspek. 

vuukle comment

BARIL

HOLDAP

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with