^

Probinsiya

P8.1 milyong marijuana nasabat sa Bulacan, 5 tiklo

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
P8.1 milyong marijuana nasabat sa Bulacan, 5 tiklo
Kinilala ni PDEA-3 Regional Director Christian Frivaldo ang limang nadakip na suspek na sina John Patrick Milan alias Wang, 26; Kevin Paul Jose, 27; Mispa Jamsen, 28; Jayson Justiniano, 30; at Enrick Justin, 29.
Miguel de Guzman, file

MALOLOS CITY,Bulacan, Philippines —  Tinatayang aabot sa P8,160,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA Region-3) mula sa limang hinihinalang tulak sa isina­gawang drug buy-bust ope­ration kamakalawa ng hapon sa Brgy. Look 1st ng nasabing lungsod.

Kinilala ni PDEA-3 Regional Director Christian Frivaldo ang limang nadakip na suspek na sina John Patrick Milan alias Wang, 26; Kevin Paul Jose, 27; Mispa Jamsen, 28; Jayson Justiniano, 30; at Enrick Justin, 29.

Sa inisyal na im­bes­­tigasyon, dakong alas-4:40 ng hapon na maglatag ng drug buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng PDEA-3, PDEA Bulacan Provincial Office, Bulacan PPO-PIU at Malolos police laban sa limang suspek sa No. 2B 920, Brgy. Look 1st ng nasabing lungsod.

Ayon kay Frivaldo, ang limang suspek ang sinasabing major supplier umano ng marijuana sa Bulacan at Pampanga.

Hindi na pumalag ang mga suspek matapos na masukol sila sa isinagawang drug buy-bust.

Narekober sa mga ito ang 68 kilong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P8,160,000, isang unit ng cellular phone, isang weighing scale at marked money.

Nahaharap ang limang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with