^

Probinsiya

Rider patay, angkas kritikal sa trak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Rider patay, angkas kritikal sa trak
Kinilala ang nasawi na si Florante Rogacion, 55-anyos, ng Mendez Crossing West Tagaytay City, habang ang angkas nito ay nakilalang si Rafael Cruzen,nasa hustong gulang,residente ng Brgy. Pangil,Amadeo, Cavite.
STAR/ File

TRECE MARTIRES CITY, Cavite, Philippines — Namatay noon din ang isang motorcycle rider habang nasa kritikal na kalaga­yan ang kanyang angkas makaraang sumalpok sa kasalubong na cargo truck sa kahabaan ng Purok 6,Brgy. Conchu, ng lunsod na ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Florante Rogacion, 55-anyos, ng Mendez Crossing West Tagaytay City, habang ang angkas nito ay nakilalang si Rafael Cruzen,nasa hustong gulang,residente ng Brgy. Pangil,Amadeo, Cavite.

Hawak na ng pulisya ang driver ng trak na si  Edmund Neri, 30, residente ng Creekside Brgy. Julugan 8,Tanza, Cavite.

Sa ulat, alas-3:40 ng hapon ay binabagtas ng motorsiklo ang nasabing kalsada at pagdating sa pakurbang daan ay sinakop nito ang kabilang kalsada kung kaya’t sumalpok ito sa kasalubong na trak.

vuukle comment

TRAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with