^

Probinsiya

Opisyal na may koneksyon sa NPA, sumuko

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Isang opisyal ng grupong ikinukonekta sa mga rebeldeng Communist Party of the Philippines/New Peoples­ Army (CPP/NPA) na tinaguriang Karapatan Que­zon/Tanggol-Quezon ang kusang-loob na su­muko­ sa himpilan ng 201st Infantry (Kabalikat) Brigade, Philippine Army na nakabase sa Barangay Poblacion 10, Catanauan, Quezon, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay Southern Luzon Com­mand (SOLCOM) Commander Lt. General Antonio Parlade, kinilala ang sumuko na si Genelyn Di­choso Y Carabot (alyas Gemma) Secretary General ng Karapatan Quezon/Tanggol-Quezon.

Ang KARAPATAN ay itinatag ng armadong grupong NPA para tugunan ang kanilang panga­ngailangan sa  pananggalang sa kasundaluhan at kapulisan sa pamamaraan ng “mga alegasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao”.

Nang mailantad ang kanilang pamamaraan at tahasang pagpanig sa NPA, Binuo nila ang “TANGGOL QUEZON” upang malansi ang mga tao na sila ay tunay na alagad at tagamasid sa karapatang pantao laban sa alegasyon ng mga pang-abuso ng kasundaluhan at kapulisan.

Ang pagsuko ni Ka Gemma at nang ilan pang makakaliwang grupo ay isang pagpapakita na ma­tagumpay ang layunin ng pamahalaan na tapusin ang armadong pakikibaka sa lalawigan ng Quezon at patuloy na hikayatin ang ilan pa nilang naiwang kasamahan na patuloy na nakikipaglaban sa pamahalaan.

vuukle comment

CPP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with