^

Probinsiya

Taga-Negros Occidental ‘instant millionaire’ sa Lotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naging instant milyonaryo ang isang masuwerteng mananaya mula sa Negros Occidental matapos nitong mapanalunan ang P24 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa isinagawang Lotto draw ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Himamaylan, Negros Occidental.

Sinabi ni Garma na matagumpay na nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 49-46-25-42-39-37 kaya’t naiuwi nito ang katapat na jackpot prize na P24,110,508.40.

Bukod aniya dito, may 9 na bettors din ang nakahula ng tig-limang tamang numero at nakapag-uwi ng second prize na tig-P50,000.

Pinayuhan ni Garma ang nagwagi na upang makubra ang kanyang premyo ay kinakailangan lamang nitong magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang dalawang IDs at ang kanyang lucky ticket.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Linggo.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with