^

Probinsiya

Amasona sumuko sa militar

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, ­Isabela, Philippines — Isang amasona na opisyal ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nagbalik-loob sa pamahalaan matapos sumuko sa tropa ng 86th Infantry Battalion ng Phi­lippine Army, ayon sa ulat kahapon.

Nakilala ang sumukong amasona na si alyas “Nika”, isang medic officer ng Rehiyon Sentro De Grabidad (RSDG) ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at residente na residente ng Maddela, Quirino.

Napag-alaman na sumapi si Nika sa NPA noong 2017 at itinalaga sa mga kabundukan sa nasasakupan ng mga bayan ng Echague at Jones sa lalawigang ito.

Maliban sa kahirapan sa loob ng kilusan, nasaksihan din umano ni Ka Nika ang katiwalian kung kaya’t pinilit umano nitong makatakas at sumuko sa militar.

Samantala, nanawagan ang amang si Joel Fernandez ng Brgy. Abariongan Uneg, Sto. Niño, Cagayan, sa dalawang anak na sumapi sa NPA at kapwa miyembro umano ng West Front Committee ng Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley na magsisuko na rin para magkasama-sama na silang pamilya.

Ang magkapatid ay nakilalang sina Erning alyas “Ronron” na sumapi sa NPA noong 2013, at Darwin alyas “Hapon” na sumunod sa tinahak ng kapatid noong 2015.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with