^

Probinsiya

Ex-member ng drug group, itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Isang tindero ng isda na dating miyembro ng sindikato ng droga ang pinagbabaril ng riding-in-tandem hitmen sa Diversion Road,Purok Ilang ilang,Brgy. Silangang Mayao,ng nasabing lungsod,kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ni PLt.Col.Romulo Albacea, chief of police dito, kinilala ang biktima na si Joelan Revadulla, 34, may live-in partner, residente ng Pagbilao,Quezon at dating miyembro ng RAFI drug group at nakalaya sa plea bargaining noong August 2017 matapos makulong ng ilang buwan dahil sa paglabag sa RA 9165.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas 6:00 ng gabi habang naglalakad ang biktima bitbit ang mga itinitindang isda ay hinintuan ito ng isang motorsiklo na lulan ang dalawang hindi nakikilalang lalaki.

Bigla na lamang umanong bumunot ng baril na kalibre 45 mula sa beywang ang isang suspek at pinaulanan ng punglo sa ibat-ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Pagbilao,Quezon.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with