^

Probinsiya

Sundalo nag-amok: Escort ng governor utas, 1 pa grabe

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Sundalo nag-amok: Escort ng governor utas, 1 pa grabe
Nang uminit ang sagutan, naglabas ng baril ang sundalo at nag-umpisang magpaputok sa lupa at sunod na pinagbabaril si Tubban nang akmang isasarado nito ang gates ng compound.
STAR/ File

Dahil lang sa P2K utang

BAGUIO CITY, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang nagwalang Army corporal ang bodyguard ni Kalinga Governor Ferdinand Tubban Jr. habang isa pang empleyado ang malubhang sugatan dakong 8:00 ng gabi, lunes sa Tabuk City, Kalinga dahil diumano sa P2,000 na utang na sinisingil ng sundalo.

Ayon kay Cordillera police director Brig. Gen. RWin Pagkalinawan, dumating si Corporal Denmark Baddongon, kasaluku­yang naka-assign sa 503rd Infantry Brigade, sa Florendo Compound sa Purok 6, Brgy. Bulanao, Tabuk City na tinitirahan nina Denver Sangdaan Tubban at Jenner Bananao Ewad, isa pang Kalinga Provincial employee, upang komprontahin tungkol sa P2,000 na pagkakautang ng una.

Nang uminit ang sagutan,  naglabas ng baril ang sundalo at nag-umpisang magpaputok sa lupa at sunod na pinagbabaril si Tubban nang akmang isasarado nito ang gates ng compound.

Pinagbabaril din ng sundalo si Ewad nang tangkain nitong tulungan nito si Tubban.

Sinabi ni Kalinga Police director Col. Davvy Limmong na nagtamo si Tubban ng anim na tama sa leeg, braso, dibdib at dalawa sa likod na ikinamatay nito bago pa man makarating sa pinagsugurang Kalinga Provincial Hospital (KPH).

Nilalapatan naman ng lunas si Ewad na nagtamo rin ng tama ng bala sa kaliwang puwetan, binti at kanang bahagi ng dibdib.

Narekober ng mga imbestigador sa lugar ang 13 fired shells at 3 fired bullets mula sa isang 9mm pistol.

Ayon pa kay Limmong,  nasa kamay na ng Tabuk City police ang sundalo matapos “sunduin” diumano ito sa kampo ng 503rd Brigade sa Tabuk sa pakikipagtulugan ng mga opisyales ng nasabing Army unit.

vuukle comment

GOVERNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with