^

Probinsiya

Ex-pulis todas sa kainumang senglot

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

CASIGURAN, Sorsogon, Philippines — Bulagta ang isang dating pulis matapos na pagbabarilin ng kanyang ka­inuman makaraang magtalo sa Brgy. Sumal-ot sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the spot dahil sa tama ng mga punglo sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Edwin Estavilla Sr., 51-anyos, ng Brgy. Central habang arestado isinagawang hot pursuit operation ng pulisya ang suspek na si Roberto Hayagan Hapin, 54-anyos, residente ng nasabi ring lugar.

Sa ulat, dakong ala-1:40 ng hapon, nakita pa ng mga residente na nag-iinuman ang biktima at suspek sa isang kubo.

Gayunman, nang nasa impluwensya na ng alak ay biglang nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril sa kanyang sling bag ang suspek at malapitang pinagbabaril sa ulo at katawan ang ‘di na nakaporma pang dating pulis na agarang nasawi sa lugar.

Nagtangkang tumakas ang suspek pero nadakip siya ng mga rumespondeng pulis. Nabawi sa kanya ang kalibre 45 baril na ginamit sa pamamaril at ilang mga personal na gamit.

vuukle comment

BARIL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with