^

Probinsiya

Mayor sa drug list ni Duterte, itinumba

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Mayor sa drug list ni Duterte, itinumba
Nadatnang nakabulagta ng pulisya si Libungan, Cotabato Mayor Aming Cuan matapos pagbabarilin ng apat na suspek habang patungo ang alkalde kasama ang kanyang driver na napaslang din, sa ginagawang sabungan sa Brgy. Cabarungan ng nasabing bayan kahapon ng umaga.
Jhon Unson

Driver nadamay sa ambush, todas din

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang isang alkalde na sinasabing nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte, at drayber nito matapos na tambangan at pagbabarilin ng apat na hinihinalang berdugo habang patungo sa isang ginagawang sabungan sa Brgy. Cabaruyan, Libungan ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital sina Libungan Mayor Aming Cuan, 46-anyos at ang kanyang drayber na si Edwin Navarro Ihao, 36, ng Brgy. Poblacion, Libungan dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sa ulat ng pulisya, mag-alas-11:00 ng umaga, kararating lang umano ni Mayor Cuan sa Libungan mula sa Davao City at dumiretso lulan ng kanyang sasakyan sa ginagawang bagong Libungan Cockpit Gallera sa Brgy. Cabaruyan, nang sundan ng isang kulay asul na SUV.

Apat na suspek ang bumaba sa SUV at pinagbabaril sina Cuan at Ihao gamit ang matataas na kalibre ng baril tulad ng M-16 rifle, base sa na­rekober na basyo ng bala sa lugar.

Nabatid na una nang tinangka ang buhay ni Cuan noong nakalipas ng taon sa harap ng municipal hall ngunit hindi tinamaan ng bala mula sa isang sniper.

Inamin noon ng alkalde na maraming banta sa kanyang buhay pero hindi siya takot dahil wala naman daw siyang atraso o kaaway. Minsan na ring lumabas ang pangalan nito sa drug watchlist ni Pangulong Duterte ngunit mariin niyang itinanggi na sangkot siya sa droga.

Kinondena naman ni North Cotabato Vice Gov. Emmylou Lala Taliño-Mendoza ang pagpatay sa alkalde.

“I condemn in the strongest term the killing today of Mayor Amping Cuan of Libungan. His demise not only orphaned his family but his consti­tuents who looked up to him for his leadership. The SP and I call for a speedy and thorough investigation to attain justice for the beloved mayor,” pahayag ni Mendoza kahapon. - Doris Franche

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with