^

Probinsiya

Ulo ng litson sinalpakan ng shabu, dalaw tiklo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Hindi nakalusot sa mahigpit na pagre­rekisa ng mga BJMP officers ang droga na inilagay sa ulo ng litsong baboy at tinangkang ipuslit ng bagong layang drug persona­lity sa pamamagitan ng “paabot” sa District Jail sa Barangay Talipan, kamakalawa ng hapon.

Balik-kulungan ang suspek na si Leonardo­ Dominguez, 36, may live in partner at residente ng Barangay Ilayang Iyam, Lucena City at kalalaya lamang nitong Nobyembre matapos na magplea bargaining makaraang makulong sa kasong paglabag sa R.A. 9165.

Ayon sa ulat ni P/Maj. Milo Tabernilla, chief of police dito, nagtungo ang suspek sa Talipan BJMP District Jail upang ibigay sa pamamagitan ng “paabot” ang litsong ulo ng baboy sa isang nakapiit na isa ring drug suspect.

Habang sinusuri ang lechon dakong alas-2:30 ng hapon, napansin sa gawing itaas ng ulo ang isang itim na electrical tape, at nang buksan ng mga jail officers ay doon na tumambad ang isang plastic sachet ng shabu na nasa 3-gramo.

Inaresto ng mga operatiba ng BJMP ang suspek at sumasailalim sa pagsisiyasat ng Pagbilao PNP. Inamin ng suspek na ang shabu na nakuha sa dalang litson ay para sa isang presong nakakulong.

Nakalusot ang suspek sa naunang dalawang beses na pagpapaabot ng pagkain subalit pumalpak sa pangatlo. Binabayaran umano siya ng hindi pinangalanang boss niya ng halagang P500 kada pag-aabot ng pagkain sa piitan.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with