^

Probinsiya

Lolo at lola na ‘tulak’ huli sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawang senior citizen ang arestado matapos na mahulihan ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ibayo, Silangan sa bayan ng Naic, dito sa lalawigan.

Kinilala ang mga suspek na sina Saturnino Virginia, 71-anyos, may asawa ng Soriano Compound Brgy. Ibayo, Silangan, at lolang si Belina Porteria, 68-anyos at residente ng Brgy. San Roque; pawang sa bayan ng Silangan.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Anthony Macario, alas-10:45 ng gabi nang ilatag ng Naic Police-Drug Enforcement Unit (DEU) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang buy-bust laban sa dalawang matanda na diumano’y kilala sa kanilang lugar na tulak ng ipinagbabawal na droga.

Nauna rito, isinailalim sa surveillance operation ang dalawa at nang magpositibo sa impormasyon ang mga awtoridad ay agad isinagawa ang buy-bust sanhi upang sila ay maaresto. Nakuha sa dalawang suspek ang anim na plastic sachet ng shabu at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with