^

Probinsiya

Mag-asawang albularyo kinatay ng walong katao

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang albularyo kinatay ng walong katao
Sa ulat, dakong alas-6:20 ng umaga ay kagigi­sing lang ng mag-asawa nang lumabas ng bahay para umihi nang biglang sumulpot ang walong hindi nakikilalang mga suspek na armado ng itak at mga baril.
STAR/File

PLACER, Masbate, Philippines — Karumaldumal na kamatayan ang sinapit ng isang mag-asawang albularyo matapos igapos at kaladkarin ay pinagbabaril at pinagtataga pa ng walong hindi pa nakikilalang mga suspek naganap sa Brgy.Camiyabsan, kamakalawa.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Alvino Dela Cruz Flores, 65; at Vilma, 63, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:20 ng umaga ay kagigi­sing lang ng mag-asawa nang lumabas ng bahay para umihi nang biglang sumulpot ang walong hindi nakikilalang mga suspek na armado ng itak at mga baril.

Parehong iginapos ang mga kamay ng mag-asawa at saka kinaladkad palayo sa kanilang bahay ay pinagtataga at pinagbabaril ang mga biktima na kapwa agarang namatay.

Isa sa anggulong tinututukan ay inaakusahan umano na mangkukulam ang mag-asawa na pinabubulaanan ng kanilang mga anak na sumisigaw ng katarungan.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with