^

Probinsiya

‘Gold rush area’ sa Nueva Viscaya abandonado na

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
�Gold rush area� sa Nueva Viscaya abandonado na
Sinabi sa PSN ni Nueva Viscaya Police Director Colonel Ranser Evasco na agad nilang inilikas ang natitira pang nanunuluyan sa Sitio Compound at Sitio Bit-ang sa Barangay Runruno matapos ang pagguho ng lupa noong Huwebes.
File

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Tiniyak ng awtoridad kahapon na abandonado na ang “gold rush area” sa Quezon, Nueva Viscaya alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang pagmimina sa lugar na nagdulot ng landslides at ikinasawi ng sampung katao noong pananalasa ng bagyong Ulysses.

Batay sa ulat na natanggap ng Pangulo, bumigay ang lupa sa kabundukan nang pasukin ng tubig ang mga tunnels na walang puknat na nilikha ng mga minerong kolorum.

Sinabi sa PSN ni Nueva Viscaya Police Director Colonel Ranser Evasco na agad nilang inilikas ang natitira pang nanunuluyan sa Sitio Compound at Sitio Bit-ang sa Barangay Runruno matapos ang pagguho ng lupa noong Huwebes.

Ayon kay Evasco, ang 10 nasawi ay pawang pamilya ng mga minerong dumayo mula sa ibat ibang lugar upang makipagsalaran sa pagkalkal ng ginto sa konsesyon ng lisensiyadong FCF mining Corporation.

Aniya, binabantayan ngayon ng pulisya ang abandonadong minahan upang masawata ang pagbalik ng mga pocket miners. Tatalakayin din ng pulisya at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang estado ng lehitimong konsesyunaryo sa lugar kung sumusunod ito sa panuntunan ng gob­yerno, ayon sa direktiba ni Duterte.

vuukle comment

MINING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with