^

Probinsiya

20 bahay sa 1 brgy. nawasak ni ‘Rolly’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
20 bahay sa 1 brgy. nawasak ni �Rolly�
Isa lamang ito sa 20 bahay na iniwang wasak na wasak ng bagyong Rolly sa pananalasa nito sa Barangay Busokbusukan, San Narciso, Quezon. (
Tony Sandoval

SAN NARCISO, Quezon, Philippines — Tatlong araw ang nakalipas makaraang hambalusin ng bag­yong Rolly ang bayang ito, tumambad sa ilang nagbalikang residente ang mga kabahayan at  ari-arian na wasak na wasak.

Sa pagtaya ng Provincial at Municipal Di­saster Risk Reduction and Management Office, aabot sa 20 bahay sa Brgy. Busok-busukan ang tuluyang winasak at hindi na mapapakina­bangan.

Maging ang mga 95 porsyento na mga tanim na puno ng saging ay itinumba rin ng bagyo at hanggang sa kasalukuyan at wala pang serbisyo ng kuryente mula sa Quezon Electric Cooperative (Quezelco) ang bayang ito, gayunman at sinisikap ng kooperatiba na ayusin ang mga sirang kable at poste sa 13 pang bayan sa ika-tatlo at ika-apat na distrito ng lalawigan ng Quezon upang agarang maibalik ang kuryente.

vuukle comment

ROLLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with