^

Probinsiya

Mag-asawa pinasok, ginapos saka ninakawan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Pulis-Cavite arestado sa P.5 milyong robbery

CAVITE , Philippines — Binitbit ng Cavite Police ang kanilang kabaro habang pinaghahanap ang dalawa nitong kasama matapos nilang pasukin habang nakasuot ng surgical masks ang isang bahay at igapos ang isang mag-asawa limasin ang P500,000 halaga ng kanilang alahas sa Dasmariñas City noong Linggo.

Kinilala ang suspek na si P/Corporal Mar Ortiquesa, nakatalaga sa Maragondon Police Station habang inaalam ang pagkakilanlan ng dalawang kasabwat nito sa panloloob sa bahay ng nagreklamong si Caronissa Gamboa, 31, ng Block 64 Lot 25 Bautista Zione 6, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Sa ulat P/SSgt Richard Domingo, alas-11:00 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang bahay ni Gamboa at igapos siya kasama ang mister saka tinangay ang kanilang mga mamamahaling alahas.

Kinabukasan na nang mag-report ang mag-asawa sa pulisya na agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation na nag­resulta sa pagkakaaresto ng nasabing pulis.

Ang naarestong pulis ay dati umanong nakatalaga sa Intel Division ng Dasmariñas Police saka nalipat sa Maragondon Police Station.

Nabatid pa na naka-surgical mask lamang ang mga suspek nang pasukin ang bahay ng mag-asawa kaya nakilala ng mga ito bukod pa sa  madalas umanong nagpupunta ang suspek sa lugar dahil may girlfriend umano siya dito.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with