^

Probinsiya

Sports car vs truck: Trader, 2 pamangkin dedo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang negosyante at dalawang pamangkin ang patay nang sumalpok ang kanilang sinasakyang sports car sa isang 10-wheeler truck na may kargang tubo sa Bacolod City kamakalawa ng mada­ling araw.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Stanley­ Flores, negosyante at mga pamangking sina Welton at Mark John Porcel; pawang ng Brgy. Villamonte ng nasabing lungsod habang nasa kustodya na ng pulisya ang truck driver na si Michael Mojica, 42, ng Kabankalan City, Negros Occidental.

Sa ulat ni Major Charles Gever, hepe ng Bacolod City Police Station 4, dakong ala-1:00 ng mada­ling-araw, lulan ng sports car na Ford Mustang ang mga biktima na minamaneho ni Flores at mabilis na tinatahak ang kahabaan ng Circumferencial Road sa Brgy. Villamonte nang maganap ang trahedya.

Sa sobrang bilis ng patakbo sa sports car, hindi napansin ni Flores ang truck sa kanyang unahan kaya hindi nito nakontrol ang manibela. Agad sumalpok ang sports car sa likurang bahagi ng trak at pumailalim pa ang kotse dito dahilan ng pagkaipit at pagkadurog ng mga biktima.

vuukle comment

CHARLES GEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with