^

Probinsiya

3 magkakaanak nasapol ng kidlat, patay!

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
3 magkakaanak nasapol ng kidlat, patay!
Kinilala ni Lt. Colonel Orly Pagaduan, hepe ng San Fernando City Police Station ang mga nasawi na sina Tristan Apayyo, 15-anyos, kapatid na si Ivan Eunicer, 18 at pinsang si Rhian De Guzman, 17-anyos.
STAR/File

Habang nagtatampisaw sa dagat

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang tatlong magkakaanak na binatilyo habang isa pa ang kritikal matapos silang masapol ng kidlat habang masayang nagtatampisaw sa dagat sa Barangay Lingsat, San Fernando City, La Union noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Lt. Colonel Orly Pagaduan, hepe ng San Fernando City Police Station ang mga nasawi na sina Tristan Apayyo, 15-anyos, kapatid na si Ivan Eunicer, 18 at pinsang si Rhian De Guzman, 17-anyos.

Inoobserbahan naman sa ospital ang isa pang pinsan ng mga namatay na si Patrick De Guzman, 21-anyos matapos tamaan din ng kidlat.

Sa report, nakababad sa dagat ang apat na biktima sa gitna ng pag-uulan nang biglang tumama ang malakas na kidlat dakong alas-6:40 ng gabi at masapol ang apat.

vuukle comment

KIDLAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with