^

Probinsiya

Barangay Kapitan itinumba sa outpost

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Barangay Kapitan itinumba sa outpost
Itinuturo ng lalaking ito ang lugar kung saan bumagsak at napatay si Brgy. chairman Angelito Centeno, 60 matapos barilin.
Cristina Timbang

CAVITE, Tanza , Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang outpost sa Brgy. Calibuyo ng na­sabing bayan, kamakalawa.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Angelito Centeno, 60 chairman ng nasabing barangay.

Hindi naman naki­lala ang suspek matapos isagawa ang pa­mamaril ay mabilis na tumakas.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kararating lamang ng biktima sa barangay outpost at habang nag-aayos ito sa kaniyang opisina ay bigla na lamang pinagbabaril ng suspek na nasa labas ng outpost.

Nagtamo ang biktima ng isang tama ng bala sa kamay at da­lawa sa likod na tumagos sa tiyan.

Tumakas ang gunman na sumakay sa motorsiklo ng kasama na nagsilbing lookout, subalit pagkalipas ng ilang oras ay naaresto rin ang driver ng motorsiklo na sinakyan ng gunman.

Pansamantalang hindi muna pinangala­nan ng pulisya ang dri­­ver ng motorsiklo na ki­lalang may bad record sa barangay at sangkot sa droga.

vuukle comment

ANGELITO CENTENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with