^

Probinsiya

Pari natagpuang patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

TAYTAY, Rizal , Philippines — Isang pari ang natagpuang patay at may tama ng bala ng baril sa kanyang baba na tumagos sa ulo sa loob mismo ng kanyang silid sa kamakalawa ng hapon.

Inaalam pa ng mga otoridad kung binaril o nagbaril sa sarili ang biktimang si Father Nomer de Lumen, Parochial Vicar ng St. John The Baptist Parish Church, na matatagpuan sa Barangay San Isidro, Taytay.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, dakong alas-3:45 ng hapon nang madiskubre ng security/maintenance ng simbahan ang bangkay ng pari sa loob mismo ng silid nito.

Sa salaysay ng isang kasamahan ng biktima sa pulisya, lumilitaw na mayroon umanong problemang pampamilya na dinadala ang pari ngunit inaalam pa kung posibleng may kinalaman ito sa insidente.

Narekober ng mga otoridad mula sa crime scene ang isang revolver na may dalawang bala, at isang deformed fired bullet.

Sa ulat ng Antipolo Diocese, Disyembre 1, 2019 lamang nang magsimula ng kanyang pastoral ministry si de Lumen bilang Parochial Vicar ng St. John the Baptist Parish.

vuukle comment

PARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with