^

Probinsiya

Kauna-unahang kaso ng COVID-19, naitala sa lalawigan ng Aurora

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Matapos ang halos anim na buwan na pag-iingat ay napasok na rin ng nakamamatay na virus ang lalawigan ng Aurora matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang locally stran­ded individual (LSI).

Batay sa report ng Municipal Inter-Agency Task Force, napag-ala­man na ang kauna-unahang COVID-19 patient ay isang 54-anyos na babae mula sa Barangay 5 sa bayan Baler, isang pasyente na mayroong existing medical condition at umuwi sa nasabing bayan mula sa Pasay City noong Agosto 4 kung saan sumailalim sa mahigpit na home quarantine.

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Baler na hinimatay ang pasyente noong Agosto 9 kung kaya’t agad na isinugod sa Aurora Memorial Hospital at isinailalim sa ibat-ibang pagsusuri kabilang na ang swab test.

Kamakalawa ng gabi nang makumpirma na positibo nga sa COVID-19 ang pasyente batay na rin sa lumabas na resulta ng kanyang swab test.

Agad na pinulong ni Mayor Rhett Angara ang lahat ng mga kinauukulan kabilang na ang MIATF para sa isinagawang mga hakbang para hindi na kumalat umano ang virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with