^

Probinsiya

Kaso ng mag-asawang ex-mayor sa Taal, hirit na desisyunan na ng SC

Pilipino Star Ngayon

TAAL, Philippines — Umapela kahapon ang mga mamamayan ng Taal, Batangas sa Korte Suprema (Supreme­ Court) na aksyunan ka­agad ang kaso ng mag-asawa at dating kapwa alkalde ng bayan ng Taal na sina Librado at Fe Cabrera.

Nabatid na ang mga Cabrera ay nahatulan­ ng Sandiganbayan na ma­kulong ng tig-12 hang­gang 20 taon dahil sa umano’y korapsyon noong ika-19 ng Nob­yembre, 2009.

Sa naturang kaso, umapela ang mga Cabrera sa SC para baligtarin ang hatol pero hindi pinagbigyan noong Hunyo 29, 2019.

Ang kaso ng mga Cabrera ay nakabinbin pa rin sa SC at umaasa ang mga mamamayan ng Taal na mabibigyan na ng katarungan sa lalong madaling panahon.

Ang mag-asawang Cabrera ay hinatulan ng Sandiganbayan 4th Division ng 2-counts ng graft sa pagbili ng mga medical supplies nang walang public bid­dings.

Pinababalik din sa kanila ang pera na nag­kakahalaga ng P27, 651.83 at P170, 987.66 para sa ‘di maipaliwanag na “travel o unauthorized travel.”

Si Librado Cabrera ay nagsilbi bilang town mayor mula 1995 hanggang 1998 at pinalitan ng kanyang misis mula 1998 hanggang 2001.

vuukle comment

KORTE SUPREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with