^

Probinsiya

2 binata kinatay sa pre-wedding party!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 binata kinatay sa pre-wedding party!
Idineklarang dead-on-arrival sa San Pascual Rural Health Unit ang mga biktimang sina Erick Batiancila Rosales at Mark Anthony Llines, kapwa residente ng Brgy. Sta. Cruz.
STAR/ File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dalawang 18-an­yos na binata na bisita sa pre-wedding party ang nasawi matapos na kuyugin at pagsasaksakin ng apat na lalaki sa gitna ng sayawan sa Brgy. Kiromero, San Pascual, Masbate kamakalawa ng madaling araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa San Pascual Rural Health Unit ang mga biktimang sina Erick Batiancila Rosales at Mark Anthony Llines, kapwa residente ng Brgy. Sta. Cruz.

Arestado naman ang dalawa sa apat na suspek na kinilalang sina Rolando Cosip Saso, 39-anyos at Jerry Jamin Saso, 20,pawang ng Brgy. Mabini habang tinutugis sina Arnulfo Montejo at Rogie Cantilado ng Brgy. San Pedro; pawang sa nasabing bayan.

Sa ulat, dakong ala-1:10 ng madaling araw habang nasa gitna ng sayawan bilang bahagi ng kasayahan ng magnobyong ikakasal kinabukasan sa lugar nang biglang magkagulo ang mga biktima at suspek dahil sa iringan.

Bumunot ng patalim ang apat na suspek at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na duguang humandusay sa harap ng mga nabiglang mga bisita.

vuukle comment

KINATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with