^

Probinsiya

Kambal na pagbobomba: CAFGU dedo, 2 sundalo sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Kambal na pagbobomba: CAFGU dedo, 2 sundalo sugatan
Ayon kay Lt. Colonel Anhouvic Atilano, ang tagapagsalita ng 6th Infantry Division, dalawang pinaniniwalaang Moro rebel na sakay ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa COVID-19 quarantine checkpoint sa Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao alas-7:00 ng gabi nitong Huwebes na ikinamatay ng isang CAFGU na si Aladin Alon at ikinasugat ni Joey Moambing.
STAR/File

MAGUINDANAO, Philippines — Patay ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) habang dalawang sundalo ang sugatan nang magka­roon ng kambal na pag­sabog ng granada dito noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Lt. Colonel Anhouvic Atilano, ang tagapagsalita ng 6th Infantry Division, dalawang pinaniniwalaang Moro rebel na sakay ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa COVID-19 quarantine checkpoint sa Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao alas-7:00 ng gabi nitong Huwebes na ikinamatay ng isang CAFGU na si Aladin Alon at ikinasugat ni Joey Moambing.

Sinabi ni Atilano na ang nangyari sa Shariff Aguak ay pangalawang beses nang ginawa ng mga suspek sa mga nagbabantay sa COVID-19 checkpoint na nag-uugnay sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at Maguindanao.

Ilang minuto lamang ang nakalipas, inatake rin ng mga lawless group ang isang detachment kung saan tinamaan ang pasahero ng dumadaan na Husky Bus na may rutang Gen. Santos City-Cotabato City na ikinasugat ng isang sundalo na si P/Sgt. Jester Cagatan habang binabagtas ng bus ang highway sa Brgy. Iginagampong, Datu Unsay, Maguindanao.

Ayon sa drayber ng bus, nakarinig siya ng malakas na pagsabog habang nagmamaneho matapos na atakihin ng rifle grenade ang sinasakyang bus. 

vuukle comment

CAFGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with