^

Probinsiya

12,000 stranded sa Cebu City dahil sa ECQ

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 12,000 ang locally stranded individuals (LSIs) ngayon sa Cebu City dahil sa ipinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) na pinalawig pa ng pamahalaan kahapon bunsod ng paglaganap ng COVID-19.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu na ipinadala ni Pangulong Duterte sa Cebu para pamunuan ang COVID-19 response sa Cebu City, makalalabas lamang ang mga LSIs sa lungsod oras na matanggal na ang pagpapatupad ng community quarantine restriction sa lugar.

“They are staying in their respective na pinagtitirahan nila, mga boarding houses at tsaka mga relatives. Pero they cannot leave, dito muna sila,” sabi ni Cimatu.

Sinabi ni Cimatu na dahil sa ECQ, sasailalim ang mga stranded sa proseso bago sila payagan na makaalis sa Cebu oras na tanggalin na ang ECQ.

Aniya, upang maibsan ang paglawak pa ng kaso ng COVID-19 sa Cebu City ay personal niyang nairekomenda sa Inter-Agency Task Force na ma-extend dito ang implementasyon ng ECQ.

Ang Cebu City ang isa ngayon sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19. Kahapon nakapagtala ng 353 new COVID-19 cases sa lungsod kung kaya umakyat sa kabuuang 5,494 kaso.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with