^

Probinsiya

3K sibilyan nagsilikas sa bakbakan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
3K sibilyan nagsilikas sa bakbakan
Sa ulat kay Cotabato police provincial director Colonel Henry Villar, nagkasagupa ng grupo nina Kumander Ricky ng Moro Islamic Libe­ration Front (MILF) ang pangkat ni Kumander Butoh Sanday ng armed lawless group sa lugar, dakong alas-7:00 ng umaga.
AFP Westmincom, File

NORTH COTABATO, Philippines — Abot sa 3,000 na sibil­yan ang nagsilikas mula sa kanilang mga kabahayan nitong Linggo dahil sa takot na maipit sa muling pagsiklab ng bakbakan ng dalawang armadong grupo na ikinasawi na ng dalawa katao sa Barangay Talitay sa bayan ng Pikit, dito sa lalawigan.

Sa ulat kay Cotabato police provincial director Colonel Henry Villar, nagkasagupa ng grupo nina Kumander Ricky ng Moro Islamic Libe­ration Front (MILF) ang pangkat ni Kumander Butoh Sanday ng armed lawless group sa lugar, dakong alas-7:00 ng umaga.

Dahil dito, sinabi ni Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) officer Tahira Kalantungan na mahigit 3,000 na indibiduwal na ang lumikas sa mga apektadong barangay sa Pikit. Ang mga bakwit ay pansa­mantalang nanunuluyan sa mga paaralan at sa kanilang mga kamag-anak sa mga ligtas na lugar.

Matatandaan na si Kumander Butoh Sanday ay dating brigade commander at G3 ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) ngunit pinatalsik ng MILF matapos na masangkot sa ilang kaguluhan sa lugar.

Nakisawsaw rin si Kumander Sanday sa alitan o rido nang magkalabang pamilya sa bayan ng Pikit. Hindi umano inalintana nito ang kaligtasan ng mga sibilyan sa mga nangyaring labanan at hindi na rin sumusunod sa kautusan ng liderato ng MILF.

Clan war o rido at personal na alitan ang dahilan ng panibagong labanan. Wala pang pangalan ang mga nasawi habang isa naman ang nasugatan ng ligaw na bala. 

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with