10 drug suspect, 5 wanted nalambat
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang 10 drug suspects at limang wanted persons sa magkakahiwalay na anti-illegal drug drive at manhunt operations na inilatag ng Bulacan police, iniulat kahapon.
Ayon sa iniulat ni Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Director, nadakip ang 10 drug suspects kabilang ang dalawang menor-de-edad sa serye ng drug bust operations na isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) operatives ng San Miguel, Bocaue, Marilao, Guiguinto at San Jose del Monte City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mary Ann Caragduata, Fermin Tose Jr., Nelson Ibañez Gevero Jr., Arnold Odoño Naa, Khalman Llamosa, Adonis Somera, Jeffrey Castro, Christoper Mendoza, isang 16-anyos at isang 17-anyos.
Nakumpiska sa mga suspek ang 20 plastic sachets ng shabu at buy-bust money.
Samantala, ang mga wanted person ay kinilalang sina Rosabell Joson, na nadakip sa Brgy. Pulong Bayabas, San Miguel at may kasong paglabag sa BP 22 (Bouncing check); Ricky Berja, nahuli sa Phase-3, Brgy. FVR, Norzagaray, na may kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A. 9165 (Illegal Drugs); Roberto Dela Rosa alias Bobby Abalos; Ivan Dela Rosa Abalos; at Geogie Dela Rosa Abalos ay nadakip sa Brgy. Poblacion II, Marilao at may kasong direct assault.
- Latest