^

Probinsiya

Parak sa Cebu arestado nang makipag-'labing-labing' sa babaeng inmate

Philstar.com
Parak sa Cebu arestado nang makipag-'labing-labing' sa babaeng inmate
Kitang-kitang magkatabi sa kama si Major Ildefonso Miranda Jr. at ang babaeng inmate sa litratong ito na nadiskubre sa kanyang cellphone.
Released/PNP-IMEG

MANILA, Philippines — Arestado ang isang opisyal ng Philippine National Police sa Cebu matapos mahuling nagpapapasok ng detainees, na parehong may kaso kaugnay ng droga, sa kanyang quarters.

Kinilala ang suspek bilang si Major Ildefonso Miranda Jr. ng Argao Municipal Police Station sa Cebu.

Sa video na ito na inilabas sa state-owned Radyo Pilipinas, makikita ang pag-aresto ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group kay Miranda noong ika-5 ng Marso, Huwebes.

Aniya, may sekswal na relasyon si Miranda at isa sa mga babaeng preso habang ginagamit bilang "helper" ang isa pa, na babae rin.

Nabisto ang ginagawa ng pulis matapos madiskubre ang ilang kwestyonableng litrato sa kanyang cellphone.

Kitang-kita sa mga nasabing litrato si Miranda habang katabing nakahiga sa kama ang isa sa mga preso.

Sa isa pang litrato, nakuha pa ng preso na suotin ang iniporme ng pulis habang nakasaludo. Basang-basa sa suot ng babae ang apelyido ng police official.

Humaharap sa kasong "direct bribery," "delivery of prisoners from jails" at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practies Act si Miranda. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

vuukle comment

BRIBERY

CEBU

INMATE

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with