^

Probinsiya

Van salpok sa puno: 1 patay, 5 sugatan

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 24-anyos na lalaki habang sugatan naman ang limang iba pang sakay ng isang commuter van kasama ang drayber matapos na maaksidente sa Purok 5, Barangay Lanao, Kidapawan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na si Jorney Ligo Caro, residente ng Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Julius Campos, Jomer Ligo Caro, Bheljun Fernando Lagmay at Dennis Denaga na pawang mga residente ng Kabacan, North Cotabato at ang driver ng van na si Esmael Lagda Mamansal, 36.

Sinasabi ng isa sa mga pasahero na mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver habang patungo sila sa Cotabato nang mawalan ng brake ang sasakyan hanggang tumilapon ito sa isang barbed wire at punong mangga sa naturang lugar kahapon ng madaling-araw.

Agad na ni-rescue ng city 911 ang mga biktima pero dahil sa tindi ng mga sugat sa kanyang katawan ay agad na binawian ng buhay si Caro.

Napag-alaman namang lango sa nakakalasing na inumin ang mga sakay at driver ng naturang van nang mangyari ang aksidente. 

vuukle comment

VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with