^

Probinsiya

Ikakasal sa Valentine’s Day timbog sa P9.4 milyong shabu

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Ikakasal sa Valentine�s Day timbog sa P9.4 milyong shabu
Ang tatlo ay natimbog sa buy-bust operation ng Sta. Ana Police kasama ang Regional Special Operation Group (RSOG) XI at Davao City Police Office (DCPO) Intelligence Unit.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng mag-partner na balak sanang magpakasal kahapon, Araw ng mga Puso matapos na makuhanan ng nasa P9.4 milyong halaga ng illegal na droga kasama ang isa pa sa drug operation sa New Visayan Village, Tagum City, Davao del Norte, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Bembol Rabosa Papata, 39-anyos at ang kanyang bride-to-be na si Jeanet Narcelo Saicon, 46, kapwa residente ng Pindasan, Mabini, Davao De Oro at isang Rex Jocotmaya Comaña, 28-anyos, taga-Tagum City.

Ang tatlo ay natimbog sa buy-bust operation ng Sta. Ana Police kasama ang Regional Special Operation Group (RSOG) XI at Davao City Police Office (DCPO) Intelligence Unit.

Ayon kay P/Major Michael Uyanguren, commander ng Sta. Ana Police Station, inginuso si Patata ng mga nauna nilang nadakip na drug suspect dahilan para ikasa ang nasabing operasyon.

Giit naman ni Police Col. Kirby John Kraf, pinuno ng DCPO na ito na ang pinakamalaki nilang operas­yon kung saan umaabot sa 590 gramo na nagkakahalaga ng P9,440,000 ang nakuha sa SUV ng suspek sa inilatag na buy-bust.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with