^

Probinsiya

Magdyowa tiklo sa droga sa hotel

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Valentine’s date nauwi sa selda

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nagdaos ng Valentine’s Day sa kulungan ang magsing-irog na umano’y tulak at kanilang alalay matapos matiklo sa kanilang pag-iingat ang marijuana at shabu habang nagpapahinga sa isang hotel sa Roxas, Isabela noong Huwebes.

Kinilala ni Major Engelbert Bunagan, hepe ng Roxas Police Station ang mga nadakip na sina Rusty Jay Mariano, 29-anyos; ang nobyang si Luzielle Tinaza, 32, at alalay nilang si Adrian Pagarigan, 19; pawang mga taga-Quezon City. 

Nasamsam ang limang dried marijuana bricks, pinatuyong tangkay at isang sachet ng marijuana na kontrabando ng tatlo mula sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga. Nakuha rin sa magkasintahan ang isang sachet ng shabu na pinaniniwalaang pampagana nila sa kama sa Araw ng mga Puso bago tutulak pabalik ng Metro Manila dala ang kanilang paninda.

vuukle comment

DROGA

VALENTINES DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with